Monday, June 27, 2005

Dahil Wala Ka Na

Lahat ng oras ng mundo’y ‘pagpapalit
Sa isang minuto ng ‘yong yakap na mahigpit
Ano ang iisipin
Ano ang gagawin
Sa puso ko
Ngayong wala ka na



“Sorry, I am late,” ang pabulong ko sa mga ka-grupo kong performers sa anniversary ng kumpanya namin. Kahit na naging nakaw-eksena ako sa pagkakabukas ko sa pintuan ng ballroom na nirentahan ng kumpanya namin para sa okasyong ito, lahat halos ng mga tao sa loob ay parang nabatu-balani sa lalaking kumakanta. Tila buong puso at isipan nila ay nasa lalaking ito. Wala akong magawa kundi nakipanood na rin sa kanya. Totoo nga. Napakaganda nga ng kanyang boses. Bagay na bagay sa kanta. Sa taas ng kanyang tinig kaya kahit na falsetto ay kayang-kaya! Higit doon, akmang-akma ang emosyon sa mga titik. Damang-dama ang lungkot at pighati.

Mata’y lumuluha
“Di maitila
‘Di mapaniwalaan
Ngayo’y wala ka na

Akala ko noon
Mabuti nang gano’n
Mawalay na sa piling mo
Ngayon wala ka na

Kahit anong hiling
Lahat-lahat ibibigay
Muli ko lang maramdaman
Nag-iisang pagmamahal

Lahat ng oras ng mundo’y ‘pagpapalit
Sa isang minuto ng ‘yong yakap na mahigpit
Ano ang iisipin
Ano ang gagawin
Sa puso ko, sa Buhay ko
Ngayong wala ka na


Sigawan. Palakpakan. More! More! More! Pati ako naki-ayon na rin sa lahat. At habang kinakanta nya ang isa pang awit, pinagmamasdan ko ang mukha ng lalaking ito. Napakaamo ng kanyang mukha, mapula ang kanyang mga labing bumibigkas ng mga titik tungkol sa pag-ibig. Napakaganda ng kanyang malamlam na mga mata. May lalim. May damdamin.

“Joey, we’re next!” kinabig ako ni Shiela papunta sa backstage. Saka lamang ako nahimasmasan sa aking pagkakatayo. Ako rin ay nabighani sa lamyos ng kanyang tinig. Pero kailangan kong isantabi ang sandaling paglalakbay sa alapaap.



‘BRO, GALING ng kanta mo ha!” lumapit ako sa kanya nang nasa buffet table kami. “by the way, Joey here, and you are?” sabay abot ng aking kamay.

“Thanks! I am Mark,” nakipag-kamay sya, at ipinagpatuloy ang pagkuha ng pagkain.

“Nice meeting you, Mark,” sagot ko. “By the way, it’s the first time I saw you here. Are you a guest or employee dito?

“I just transferred last month from our sister company.” Katahimikan. Isang tanong, isang sagot. Pakiramdam ko tuloy para akong asungot na bubuntot-buntot sa kanya. Hindi kaya nararamdaman nya na may interesado ako sa kanya, kaya medyo aloof ang pakita niya? Hindi naman siguro. E halos lahat na yata pati ang President namin e nag-congratulate sa kanyang magandang performance. Hindi naman siguro kalabisan kung magtanong ako. Pagkatapos ng aming presentation, ipinangako ko sa sarili ko na dapat makilala ko ang lalaking ito. Kaya kahit na mainis sya sa akin, kailangang makilala ko sya. Syempre, puro safe questions para hindi ako mabuking.

“I see. So how were you discovered sa pagkanta mo?” pabiro kong pangungulit.

“Sa karaoke bar.”

“And?”

Nangiti lang siya sa sagot ko. Nakaramdam din ang loko na isang tanong-isang sagot lang siya. “Okay, sorry if I am not much of a talker. It’s kinda rude. But I am not. Tahimik lang talaga ako.”

“Like a deep river that runs quietly?” tanong ko. Napakunot ang noo nya. “Sorry. I don’t mean to pry. With your song awhile ago, lahat yata ng nandito e nahulog sa yo. There was so much emotion in it.”

“It’s okay. You are right. Every time I sing, I make sure I put the right emotion,” ngumiti sya.

“That’s more like it!” mas bagay sa ‘yo ang nakangiti than kaninang kumakanta ka. Napahalakhak siya.

“Magkakasundo tayo. Come’s let’s find a table!” sabay kindat sa akin


NAGKAPALAGAYANG loob kami ni Mark sa maikling panahon. Kahit nasa sales ako at nasa management group naman siya, we make it a point na magkita kami. Hindi daw talaga siya sociable na tao, kaya naman nang magkaroon ng bakante sa mother company namin, nagpa-transfer siya. Hindi daw niya makaya ang trabaho sa sister company namin na ang main business ay sa marketing and sales. Hindi ako naniwala sa kanya. Magaling siyang magsalita pag kasama ako. Minsan nagdududa na ako kung bakit umalis sya sa marketing department nila. Kapag pinag-uusapan namin ang tungkol sa sales, pilit n’ya naman itong iniiba.

“Let’s not talk about it. I hope you don’t mind.”

“Of course! Kanta na lang tayo,” sabay abot ng microphone sa kanya. Sa loob ng isangbuwan, naging pastime na namin ang mag-videoke. Nadiskubre na lang naming na pareho kami ng hilig. Totoo nga ang sinabi nya na nadiscover sya sa karaoke kasi ang mga dating kasamahan niya sa trabaho ang nagsabi na maganda ang boses ni Mark, kaya siya ang natoka na mag-represent ng kanilang department.

Habang kumakanta siya. Di ko maiwasang tumitig sa kanya. Muli sinariwa ko noong una ko siyang makita. Dala marahil ng beer na nainom ko, kaya ako nagkalakas ng loob na tumitig. Dahil hindi pa naman ako lasing, nahiya ako sa sarili ko nang mahuli nya ako. Patay malisya ko namang sinabi: “Ang ganda talaga ng boses mo! Kaka-in-love, pare!” Napapangiti na lamang siya habang patuloy sa pagkanta. Kung hindi ako nagkakamali, pangatlong beses ko na siyang biniro nang ganito at puro ngiti lang ang tugon nya. Hindi ko tuloy malaman kung may gusto din siya sa akin o wala. O baka naman open lang siya sa ideya ng gay relationships kaya hindi problema sa kanya yun. Hindi kaya barkada lang talaga ang tingin nya sa akin? Walang halong malisya? At ako lang ang nagbibigay-kahulugan sa pagsama-sama niya sa akin? Nang tumigil syang kumanta.

“Aren’t you drinking too much?”

“Okay lang ako. Pang-anim lang ito. Don’t bother! Kanta ka lang. Pagkatapos mo ako ang susunod!”

“Baka hindi ka makapag-drive nyan.”

“E di you drive me home,” tumawa ako ng malakas. “You can even drive me crazy!”

“Joey, you are tipsy. I will get you a cup of coffee then we will go home.” Tumawag nga siya ng waiter at nag-order ng kape, at pinakuha na rin ang bill namin. Di ko maikaila na nawala na ang inhibitions ko, at hilo na rin ako.

“Sorry, pare! I am not my usual self.”

“It’s okay. It would be the last time na makikita kitang lasing! We will no longer order beer next time.” Sa halip na mainis ako. Nangiti na lang ako. Napakasarap ng pakiramdam ng may nag-aalala sa akin.

“At ano ang mga ngiti na yan?”

“Nothing!” pagsisinungaling ko. “You just reminded me of my mom.” Medyo nainis sya sa sinabi ko. Talaga namang nakakainis ang sinabi ko.

“Yeah, right!” padabog na lumabas. “I will just take a leak.” Pinabayaan ko na lang siya sa tantrum nya habang nakangiti pa rin ako sa nangyari sa amin.

Siya na ang nag-drive ng kotse ko pauwi. Hindi siya pumayag na ako ang mag-drive dahil ayaw pa raw nyang paglamayan, dahil maraming tao ang masasaktan. Sa isip-isip ko, madrama ang lalaking ito. Kalalaking tao, brusko, matikas ang pangagatawan, gwapo, maganda ang boses, maalalahanin, pero madrama. Sabagay, totoo ang sinabi nya. Pag namatay sya, sayang siya, at baka mapunta pa sa iba. Gusto ko mang patulugin sa bahay, hindi siya pumayag. Ang dahilan nya, may iniuwi pa siyang reports na dapat gawin. Sabagay, alas-diyes pa lang ng gabi at medyo malapit lang naman ang condo unit niya sa amin. Hinintay ko na lang siyang makakuha ng taxi bago ako pumasok sa bahay na may ngiti sa aking mga labi.


“IT’S FRIDAY. Wanna go out?” tinext ko siya.

“Sorry I can’t. Di ba sabi ko sa yo, I can’t go out during Fridays?” Oo nga pala. Sabi nya, it’s some sort of a family night kasi eto yung time na umuuwi siya sa parents nya sa Laguna. Weekdays lang kami lumalabas. Minsan nagmamadali pang umuwi kasi baka tumawag daw ang Mommy nya. Sabi ko may cell phone naman sya at dun na lang siya tawagan. Hindi na siya makahirit sa akin.

Minsan nang nasa Figaro Galleria kami, napapansin ko na palinga-linga siya at malikot ang mga mata.

“Something’s bothering you?”

“Hindi lang ako comfortable dito sa labas. Parang nasusuffocate ako sa dami ng tao.”

“So, let’s just find another table.” Pumasok kami sa loob ng coffee shop kung saan medyo secluded ang lugar. Nagtataka na rin ako minsan sa mokong na ito. Weirdo minsan. Paranoid. Ayaw makakita ng tao. Hindi kaya kriminal ang Mark na ito at nagtatago? Sabagay, naiintindihan ko naman. Sinabi nya sa akin na hindi siya gaano gumigimik. Hindi kaya anti-social ang taong ito? Sa edad nyang 27, nagtataka lang ako dahil napaka-imposible ang bagay na hindi siya gumigimik. Nung makilala nya ako, noon lamang daw siya lumalabas.

Buti na lang at may bakante pa sa loob at sa sulok pa kaya medyo may privacy. Ideal para sa isang intimate moment, ika nga.

“Comfortable ka na dito?”

“Yup! Thanks for understanding.”

“No problem. Basta ikaw,” sabay ngiti ng matamis sa kanya, na sinuklian din nya. Can I ask you something? If you don’t mind.”

“As long as it would not kill me.”

“Why that song?” Medyo nag-isip sya. “I mean bakit yun ang kinanta mo noong anniversary natin?” Matagal. Nanghahagilap ng maisasagot. “I really don’t mind if you will not answer that question.”

“Ahhh! That song! Timing lang kasi.”

“Timing for a company anniversary?”

“It’s for me actually. We had a fight. It was an outlet.” Hindi ko siya maintindihan. Bigla-bigla naman yatang nag-open? Sabagay medyo matagal na kaming magkasama kaya medyo komportable na siya sa akin. Umiling ako upang sabihin sa kanya na hindi ko makuha ang sinasabi nya.

“It’s been exactly one month when I sang that song. Isang buwan after na mag-transfer ako sa work. He told me na mag-resign na lang ako kung mag-stay pa ako sa marketing.”

Tama ba ang narinig ko? He? Kumunot ang noo ko. Hindi ako nagkamali sa aking iniisip. Bukas nga ang puso at isipan nya sa bagay na ito. Pero kahit na nalaman ko na isa pala siyang kabaro, naguluhan pa rin ako sa mga sinasabi nya.

“Joey, you have been so good to me. And I think I owe you an explanation to so many things na minsan sa tingin ko nawe-weirdohan ka na sa akin,” patuloy nya, habang nangingilid na ang luha nya. “I am a kept man.”

Hindi ko maiwasan na lihim na matuwa sa mga pahayag nya at sa posibilidad na maaari rin nya akong mahalin kung sakali. Pero hindi nararapat. Una, nakikita kong napakasalimuot ng sitwasyon. Pangalawa, medyo nagulat ako sa mga pahayag nya. Pero heto ang taong natutuhan kong mahalin kahit na patago, at tila nangangailangan ng pang-unawa. Hindi ko puwedeng dayain ang aking sarili na ako rin ay isang kaibigan na handang tumulong sa pangangailangan nya. “Go, on…I will listen.”

“Kahit na lumipat ako ng work, nagkahiwalay pa rin kami. Nasaktan ako, Joey. It pained me a lot that after four years, we had to part ways. Miguel has been so good to me. He took care of me. He gave me everything I needed. Nagselos lang siya kasi sa nature ng work ko. Ayaw nyang may makilala akong iba. Ayaw nya ng tulad nito, may kasama akong iba. May kausap na iba. Even during Friday nights na dapat nasa gimikan ako, hindi puwede, dahil yun ang araw ng pagkikita namin. Pagkatapos ng company anniversary natin, remember, nagmamadali akong umuwi that time? Niloko mo nga ako dahil wala pa namang 12 midnight at hindi pa magbabago ang hitsura ko? The truth is, I was anticipating his call. For four weeks, I waited for his call, but he never did, kahit na sinabi kong nag-transfer na ako. I felt I was in shambles. That night, he finally called and we patched things up.”

“So that means you are still on?” Masakit mang banggitin, pero kinakailangan ng pagkakataon. Tumango siya. “Yun naman pala e. So walang problema.”

“Yeah. But something’s bugging me lately. Hindi ko rin maipaliwanag, Joey. Naguguluhan ako.”

“If you can trust me enough, perhaps, I could help you.”

“You came in at the wrong time, Joey.”

“What do you mean?” lalo akong naguluhan dahil damay pala ako sa problema nya.

“When you opened the door while I was singing, I felt another door in my life has been opened.” Gusto ko rin sabihin sa kanya, ganun din ang naramdaman ko, pero kailangan ko munang magpigil. Gusto kong maging klaro ang aking sagot sa mga sasabihin nya. Ayaw kong magpadalus-dalos. “You were just so different. So carefree. Masarap kausap. Minsan medyo matigas ang ulo. At higit sa lahat, you make me feel I am needed. Natatandaan mo yung gabi na nalasing ka?”

“Yeah…” Napangiti na lang ako.

“Damn it Joey, mahal kita.

“Mark, hindi ko na kailangang sabihing mahal din kita. I hope alam mo na ito sa simula pa lang. But you seem right. I came in at the wrong time,” napabuntung-hininga ako. “And it’s painful to know that I could not reciprocate, just because the man I have learned to love is no longer free. Hindi ko alam but as of now, but what’s the use of telling we both love each other?” Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. Mahal ko siya kung pagmamahal lang ang pagbabatayan. Pero ayaw kong pumasok sa isang relasyong hindi ko alam kung ano ang kahihinatnan. Kaya kong magmahal, pero hindi sa paraang may mga komplikasyon.

BInigyan nya ako ng panyo para punasan ko ang mga luha ko. “Maybe we could give it a try, Joey.”

“How? You tell me, how? Only you can answer that question, Mark.” Hinamon ko siya.

“Hindi ko alam. Mahal ko pa rin siya. Hindi ko alam.”

Umalis kami sa café na walang kibuan. Tila tinatantya ang bawat kilos naming dalawa, walang naglakas loob na magbuka man lang ng bibig. Isang nakabibinging katahimikan ang namagitan sa amin hanggang maihatid ko siya sa condo niya. Bago siya bumaba ng kotse, tanging pisil sa balikat ang ibinigay nya. Malayo ang tingin kong kumaway hudyat ng pamamaalam. Ayaw kong makita kung paano siya maglaho sa aking mga paningin. At muli naglaro sa isipan ko ang koro kantang inawit nya:

Lahat ng oras ng mundo’y ‘pagpapalit
Sa isang minuto ng ‘yong yakap na mahigpit
Ano ang iisipin
Ano ang gagawin
Sa puso ko, sa Buhay ko
Ngayong wala ka na


ISANG TAON na rin ang nakalilipas. Pabalik na ako ng Manila. Tiyempong may offer sa akin mag-manage ng bagong sales force sa Davao, kaya nagpa-assign ako isang lingo pagkatapos naming mag-usap ng gabing yon. Naputol and komunikasyon naming dalawa. Tanging company newsletters at company grapevine na lang ang paraan upang malaman namin ang tungkol sa isa’t isa. Dun ko nalaman na siya na ang head ng Marketing Division ng sister company namin. Sa kung anong dahilan kung bakit siya ulit lumipat sa dati niyang trabaho, hindi ko na inalam. Para ano pa? Pinilit kong huwag nang malaman pa.

Anniversary na naman ng kumpanya kaya napilitan kong magbiyahe sa Manila. May mga palabok na namang presentation ng bawat department. Hindi na ako sumali sa mga presentations dahil may mga hinahabol akong mga sales report para sa annual fiscal report. Isa pa, hindi maiiwasang magkita kami sa backstage kung saka-sakali. Ayaw kong mag-krus na muli ang landas namin. Kaya sa isang sulok, pinipilit kong mag-enjoy sa pamamagitan ng pag-inom ng cocktail drinks. Pinipilit ko ring hindi maalala ang mga pangyayari noong nakaraang anniversary. Hindi ko maiwasang balikan ang mga pangyayari, ngunit kahit na panandalian, naging epektibo ang espiritu ng alak. Unti-unti nitong pinalalabo ang mga alaala.

“Hey Joey! How’s the sales in Davao?” anang VP ng operations, na ikinagulat ko.

“We had a 30% increase compared to last year, sir,” kahit na tipsy ako, malinaw pa rin ang pag-iisip ko.

“That’s great! Keep up the good work. See you around,” paalam ng VP namin. “And by the way, don’t drink too much. It’s a long night”

“Thanks, sir!” At dahil sa sinabi ng boss ko, dali-dali akong pumunta ng wash room para mag-freshen up. Pag-angat ng ulo ko pagkatapos maghilamos naaninag ko ang pamilyar isang tao sa salamin.”

“Hi, Joey!” nakangiti niyang bati.

“Mark!” gulat na gulat ako.

“Do I look like a ghost at mukhang takot na takot ka?”

“Nabigla lang ako. Sorry. Kumusta?” tanong ko at naririnig ko ang palakpakan sa katatapos na presentation.

“Sorry, but I am next.” Paumanhin ni Mark, sabay alis.

Nang oras na yon, gusto ko mang sabihin kung gaano ako nangulila sa samahan naming, para ano pa? Pero nakaka-miss ang mga panahong magkasama kami sa videoke bar. Kapag gabi ng Miyerkoles na ipinagluluto kami ni Mommy ng dinner. Mga pamamasyal namin sa mall. Ang mga gabing magkasama kami sa Figaro. At higit sa lahat, ang huling gabi namin sa Figaro. Gusto ko rin siyang yakapin at ipadama ang pangungulilang yon. Pero hindi na puwede. May nagmamay-ari na sa puso nya.

Nang panahong iyon, gusto kong bigla na lang maglaho sa kinaroroonan ko. Kung puwede nga lang sana, kanina ko pa ginawa. Hindi naman puwedeng hindi ako umatend ng anniversary namin at tiyak hahanapin ako ng mga boss ko. Pero, dahan-dahan, binagtas ko ang hallway palabas. Ayaw ko nang maalala ko pa ang mapait na nakaraan.

Pagtapat ko sa ballroom, tamang-tama namang lumabas ang waiter. Sa pagbukas ng pintuan, narinig ko ulit ang pamilyar at malamyos na tinig. Mula sa pasilyo, kitang-kita kong muli kung paano pinaamo ng mga tinig na iyon ang kanina’y naghihiyawang mga kasamahan namin sa trabaho. Muli tahimik ang lahat sa panonood at tila manghang-mangha sa palabas.

Napako ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko maiwasang tumingin sa umaawit. Kay Mark. Habang binibigkas niya ang bawat titik ng kanta, nakapako rin ang mga mata nya sa akin. Bumibigkas, Nangungusap. May ibig ipadama.

Mata’y lumuluha
“Di maitila
‘Di mapaniwalaan
Ngayo’y wala ka na

Akala ko noon
Mabuti nang gano’n
Mawalay na sa piling mo
Ngayon wala ka na

Kahit anong hiling
Lahat-lahat ibibigay
Muli ko lang maramdaman
Nag-iisang pagmamahal

Lahat ng oras ng mundo’y ‘pagpapalit
Sa isang minuto ng ‘yong yakap na mahigpit
Ano ang iisipin
Ano ang gagawin
Sa puso ko, sa Buhay ko
Ngayong wala ka na

More! More! More! Sigawan ng mga kasamahan naming sa trabaho. Dahil doon, naalimpungatan ako. Hindi maaari ito! Hindi maaaring maulit and nangyari na! At namalayan ko na lang na palabas ako ng hotel, papunta sa parking lot. Sa loob ng kotse, hindi ko na mapigil ang pagtulo ng mga luha ko. Kagat-labi, tanging hikbi lang ang aking naririnig. Isang taon—isang taong kong kinimkim ang damdaming ito—ng pangungulila, ng pagkasabik, ng pagmamahal sa isang taong naging mahalaga sa aking buhay. Ngunit dapat kong sikilin ang damdamin na ito dahil lalo lamang ako masasaktan. Sandali kong ipinikit ang aking mga mata at isinandal ang hapo ko nang katawan. Lilipas din ito. Matatapos din ito.

Pagbukas ko ng aking mga mata, naaninag ko ang isang lalaking nakasandal sa tagiliran ng hood ng kotse ko. Sinipat ko ito ngunit madilim. Maaring isang driver lamang at naghihintay, kaya binuksan ko ang bintana upang sabihing paaandarin ko na ang kotse ko.

“Aren’t you going to ask me now why I sang that song?” si Mark, papalapit sa bintana ng kotse.

Hindi ko alam ang isasagot ko. “How did you know dito ako naka-park?” iniba ko ang usapan.

“Madali lang namang malaman yun kasi reserved ang parking lot na ito para sa company,” sagot nya. “Care to answer my question? It would not kill you, anyway.”

“Why?” ang mahina kong sagot.

“Because, it was perfect for the moment.”

“Don’t tell me nag-break na naman kayo ni Miguel?”

“Because, last year, in this same hotel, I fell in love with a guy the first time I saw him. I also told him another door in my life has been opened. Pero nagkalayo kami because I was no longer free.”

“And what about the other door?” hindi ako tumitingin sa kanya, dahil ayaw kong makita niya ang aking pananabik ng gabing yon.

“I already sealed it. Forever…” mahinahon at nakangiti nyang sagot. “If you ask about the other door, it’s still wide open. And you asked me then ‘How?’ so I gave up everything. Miguel, the comfortable living and the materials things he gave. ”

“Why?” tanong ko. Gusto kong makasiguro sa maririnig ko.

“Because, I could not give up one thing—that is loving you, Joey.” Yumuko siya at hinawakan ang mga kamay ko na nakapatong sa manibela. “And I can’t afford to lose you, forever.”

Naging hudyat iyon para lumabas ako ng kotse. Hinawakan ko nang mahigpit ang kanyang mga kamay, at inilapat ito sa aking mga dibdib. Hinila ko ang kanyang batok at siniil ng halik ang kanyang mapupulang labi. Matagal. Mariin. Sabik na sabik. Punong-puno ng alab ng damdamin.

END.


Note:
This story is inspired by the real story of a friend. Some facts, circumstances, events and names, were changed for literary effect and to protect the identity of the persons involved. Likewise, credit is given to Nyoy Volante and Mannos for the song “Dahil Wala ka Na” under their album “OPM Klasiks” which happens to be a very important song to my friend.

Their love story has no ending yet, because it is still in the making. I chose that it had to end that way because it is my wish that one day, it would happen to both of them who are in similar circumstance.

1 comment:

Kryptonite User said...

Love finds a way as the song goes. Cheers to all who wish to find true love in their lifetime!